CARAEL ELEMENTARY SCHOOL, NAGSAGAWA NG SEMINAR KONTRA-BULLYING KASAMA ANG LGU

Pinalakas ng Carael Elementary School sa Dagupan City ang kampanya laban sa bullying sa pamamagitan ng isang information drive na isinagawa katuwang ang lokal na pamahalaan (LGU), na naglalayong isulong ang ligtas, magalang, at inklusibong kapaligiran para sa lahat ng mag-aaral.

Sa isinagawang seminar, tinalakay sa mga mag-aaral ang iba’t ibang uri ng bullying at ang mga hakbang upang ito ay maiwasan at matugunan. Kabilang dito ang physical bullying, social bullying, cyberbullying at gender-based bullying o diskriminasyon batay sa kasarian o pagkakakilanlan ng isang tao.

Binigyang-diin din sa programa ang kahalagahan ng paggalang sa bawat isa at ang responsableng paggamit ng internet upang maiwasan ang pananakit sa kapwa, maging sa loob o labas ng paaralan.

Itinuro rin sa mga mag-aaral ang wastong hakbang kapag nakaranas o nakasaksi ng bullying sa pamamagitan ng prinsipyong “Report, Walk Away, and Block.”

Hinikayat silang agad na magsumbong sa mga pinagkakatiwalaang guro, magulang, o guidance counselor upang maagapan ang anumang insidente ng pambu-bully. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments