Wednesday, July 1, 2026

INC, muling binigyan ng permit ng Quezon City LGU ang INC para magsagawa ng rally bukas, Hulyo 2, sa kahabaan ng White Plains Avenue at Temple Drive

Naglabas na ang Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) ng permit ng INC para sa ikatlong pagtitipon bukas, araw ng Huwebes.

Ayon sa QC-DPOS, kasunod ito ng naging assessment nila sa aplikasyon ng Iglesia ni Cristo (INC) para sa permit.

Partikular na nire-review ng QC-DPOS ang hinggil sa kung may nalabag ba ang INC sa kanilang mga inilatag na probisyon.

Una nang sinabi ng QCPD na wala silang nakitang mga paglabag loob ng dalawang araw na rally dahil naging maayos ang daloy ng trapiko at walang mga iniharang na sasakyan.

Facebook Comments