Monday, June 29, 2026

PBBM, nanawagan sa mga kabataan na huwag matakot humingi ng tulong kung may pinagdaraanan

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga estudyante na huwag kimkimin ang kanilang mga pinagdaraanan at humingi ng tulong kung kinakailangan.

Ayon sa pangulo, mahalaga ang bawat buhay at hindi kailanman maituturing na kahinaan ang paghingi ng tulong.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ni Pangulong Marcos ang mga magulang na maging mas bukas sa pakikipag-usap sa kanilang mga anak at huwag maliitin ang halaga ng simpleng pagbibigay ng oras.

Binigyang-diin din ng pangulo na ang tunay na lakas ng bansa ay nakasalalay sa kapakanan ng mga kabataan, kaya’t mahalagang magkaisa ang mga pamilya, paaralan, pamahalaan, at komunidad sa paggabay sa susunod na henerasyon.

Facebook Comments