
Nakikiisa ang Office of the Cabinet Secretary sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagkondena sa AI-generated videos at editorial cartoons ng China Daily.
Ayon kay Cabinet Secretary Benhur Abalos Jr., mapanlait, mapang-alipusta, racist, at dehumanizing ang paglalarawan sa mga Pilipino bilang mga unggoy.
Aniya, walang puwang ang racism at paghamak sa alinmang lahi o bansa, lalo na sa responsableng pampublikong diskurso.
Iginiit niyang nagsisimula ang tunay na paggalang sa pagitan ng mga bansa sa paggalang sa dignidad at pagkatao ng bawat isa.
Tiniyak din ni Abalos ang buong suporta ng Office of the Cabinet Secretary sa DFA sa pagtutol sa naturang mga paglalarawan at sa pagtatanggol sa dangal, dignidad, at karapatan ng bawat Pilipino.
Facebook Comments










