210 INDIGENT DAGUPEÑOS, TUMANGGAP NG FOOD ASSISTANCE SA ILALIM NG UMB PROGRAM

Tumanggap ng food assistance ang 210 indigent na residente ng Dagupan City, kabilang ang 65 buntis, sa ilalim ng programang Unaen Su Mairap Bilay (UMB).

Bahagi ito ng patuloy na programa ng lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga pamilyang nangangailangan at mapalakas ang nutrisyon ng mga benepisyaryo.

Kabilang sa ipinamahaging ayuda ang grocery packs, 10-kilong bigas, itlog, at manok.

Ayon sa lokal na pamahalaan, Bukod sa food assistance, namahagi rin ang City Nutrition Office ng mga Pinggang Pinoy educational flyers upang gabayan ang mga pamilya sa wastong paghahanda ng masustansyang pagkain. Hinikayat din ang mga benepisyaryo na magparehistro sa YAKAP Program upang makinabang sa iba pang libreng serbisyong pangkalusugan na iniaalok ng pamahalaang lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments