Thursday, July 9, 2026

DILG, nagbabala sa publiko kaugnay ng mga indibidwal na nagpapanggap na tauhan ng departamento at nanghihingi ng donasyon

Mariing pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko na mag-ingat at huwag magpapaloko sa mga taong nagpapanggap na konektado sa nasabing departamento.

Kaugnay ito ng mga ulat na may mga hindi awtorisadong indibidwal umano na nagpakilalang tauhan ng departamento at nagkakasa ng peking transaksyon at nag-so-solicit.

Ayon sa DILG, walang sinumang opisyal o tauhan ang nasabing departamento na awtorisadong mag-solicit.

Paalala ng DILG sa publiko, maaari umanong iberepika sa kanilang mga official communication channels sakaling makatanggap ng mga mensaheng nanghihingi ng anumang uri ng donasyon para sa DILG para hindi maloko ng sinuman.

Facebook Comments