Monday, July 13, 2026

Bilang ng mga napaulat na nasawi dulot ng habagat at Bagyong Inday, pumalo na sa 21 — NDRRMC

Pumalo na sa 21 ang napaulat na nasawi dulot ng habagat at Bagyong Inday na nananalasa sa bansa.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang 10 nasawi ay mula sa Region 12, sinundan ito ng 7 sa BARMM, 2 sa Region 10, at tag-iisa sa Region 6 at 11.

Habang 8 indibidwal ang naitalang injured at 16 ang nawawala.

Samantala, nasa higit 700 libong indibidwal o katumbas ng 150,000 na pamilya ang naitalang naapektuhan ng nasabing habagat at bagyo mula sa Region 2, 3, MIMAROPA, 6, NIR,9,10,11,12 at BARMM.

Kaugnay nito, 4,000 na pamilya o katumbas ng halos 13,000 na indibidwal naman ang nananatili sa loob ng mga itinalagang evacuation sites.

Facebook Comments