Pagsisilbi ng warrant of arrest kay FPRRD, nasunod ang due process —Prosecutor General

Dumepensa ang pamunuan ng National Prosecution Service kaugnay sa kanilang ginampanan sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, siniguro lamang nila na nasusunod ang batas sa implementasyon ng arrest warrant laban sa dating pangulo.

Kinumpirma naman ni Fadullon na binasahan si Duterte ng kaniyang karapatan at ipinaalam din sa kaniya ang mga kaso sa International Criminal Court (ICC) na crimes against humanity at murder.


Siniguro naman ni Fadullon na nasunod ang due process at naprotektahan ang dignidad ng dating presidente.

Sakali aniyang may kumukuwestiyon sa bisa ng warrant, dapat idulog ito sa korte na nag-isyu at hindi sa arresting officers.

Facebook Comments