Tuesday, October 27, 2026

Mga energy players na hindi nagpe-perform at umaabuso sa pagtaas ng singil sa kuryente, isinusulong na patawan ng parusa

Ipinanawagan ni Senate President Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) at sa Energy Regulatory Commission (ERC) na patawan ng mabigat na parusa ang mga power generation players na hindi nagpe-perform o kaya ay nang-aabuso sa pagpataw ng mataas na singil sa kuryente.

Kaugnay ito sa madalas na kawalan ng kuryente sa Visayas at Mindanao gayong patuloy namang tumataas ang singil lalo pa ngayong panahon ng El Niño.

Binigyang-diin ni Gatchalian, na kailangang magtulungan ng DOE at ERC bilang policymaker at regulator.

Patuloy naman aniyang kukulitin at babantayan ng Senado ang DOE at ERC hangga’t hindi nasosolusyunan ang nasabing krisis.

Pinagsasagawa rin ng senador ang DOE ng regular na audit sa mga fuel pass-through charge upang hindi abusuhin ng mga energy players ang paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Facebook Comments