
Itinaas na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang status nito sa Red Alert Status sa mga units nito sa National Capital Region (NCR).
Ang nasabing hakbang ay para matiyak ang kahandaan ng mga AFP personnel at assets nito para sumuporta sa mga awtoridad kung kinakailangan.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng AFP sa Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensiya ng pamahalaan para sa kaligtasan ng publiko, seguridad at pagdadala ng kinakailangang serbisyo.
Binigyang-diin din ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na mananatili itong propesyonal, non-partisan, ipapatupad ang batas at may respeto sa karapatang pantao.
Facebook Comments










