
Nahulihan ng isang calibre .38 na improvised na baril at isang kitchen knife ang 2 estudyante ng isang eskwelahan sa Aparri kaninang alas-11:28 ng umaga.
Ayon sa pulisya, nakuha ang mga nasabing gamit matapos magsagawa ng inspeksyon ang mga personnel ng 1st Mobile Force Platoon at 2nd Police Mobile Force Company sa kanilang mga bag sa presensya ng kanilang mismong principal.
Sa inisyal na ulat, nag-cutting classes ang mga nasabing mag-aaral.
Personal grudge naman umano ang dahilan bakit sila nagdala ng nasabing patalim at baril.
Iniimbestigahan ang tatlo sa mga estudyante na hindi pa malinaw kung ano ang partisipasyon ng isa pang nahuli.
Facebook Comments










