Friday, September 11, 2026

Fil-Am Reality TV Star, dumulog sa NBI matapos masawi ang kaniyang ina nang sumailalim sa 4 na plastic surgery

Humingi ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Fil-Am reality TV personality na si Ronn Tristan Perez upang imbestigahan ang pagkamatay ng kanyang ina matapos sumailalim ito sa apat na plastic surgery.

Ang doktor ng ina, isang celebrity plastic surgeon sa isang kilalang klinika sa San Juan City.

Ayon kay Perez, nagduda siya matapos makitang namumutla at bungi na ang kanyang ina sa kanilang huling FaceTime call.

Ibinalita ng kaniyang mga kamag-anak na pumanaw na ito pagkalipas ng ilang araw. Sinabi ni Perez na hindi ibinigay ng klinika ang kumpletong medical records ng kanyang ina at tila umiiwas ang mga ito sa liability.

Nilinaw ng anak na wala siyang direktang pinaparatangan ngunit nais lamang niyang magkaroon ng malinaw na paliwanag, kompletong dokumento, at independent medical review sa nangyari.

Kasalukuyan nang hawak ng NBI ang kaso upang suriin kung nasunod ang tamang medical standards at upang matukoy ang tunay na sanhi ng kamatayan.

Facebook Comments