Wednesday, September 9, 2026

Panukalang batas para sa 5-taong fixed term sa Brgy at SK officials, aprubado na sa Kamara

Inaprubahan na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 10971 na nagtatakda ng 5-taong fixed term para sa mga opisyal ng barangay at sangguniang kabataan.

211 mga kongresista ang bomoto pabor sa panukala, 13 ang tutol at 1 ang nag-abstain.

Iniuutos din ng panukala na ilipat sa Ikalawang Lunes ng November 2028 ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa unang Lunes ng November ngayong taon.

Kasunod nito ay gagawin na ang BSKE kada limang taon.

Pagsapit ng eleksyon sa 2028 ay ikokonsiderang nakakumpleto na ng 5 taong termino ang kasalukuyang mga opisyal ng barangay habang hindi naman papayagang kumandidato sa susunod na halalan ang mga brgy officials na nasa ikatlong magkasunod na termino na ngayon.

Facebook Comments