Red Alert status, mananatili hanggang matapos ang bilangan – PNP

Hindi pa ibinababa ng Philippine National Police (PNP) ang ‘red alert’ status lalo na sa mga lugar na nakasailalim sa kontrol ng Commission on Elections.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, mahigpit pa ring magbabantay ang mga pulis hangga’t hindi natatapos ang bilangan.

Aniya, ipu-pullout lang nila ang kanilang mga tauhan kapag naibiyahe na pabalik sa mga Comelec hub ang lahat ng election paraphernalia.


Nagpaalala rin si Fajardo na tuloy ang pagpapatupad ng gun ban hanggang sa Hunyo 8.

Facebook Comments