Wednesday, October 7, 2026

DPWH, sinisigurong mabubuksan ang Dimasalang Bridge sa Maynila bago ang Undas

Sinisiguro ng Department of Public Works and Highway (DPWH) na madaraanan na ng mga motorista amg magkabilang panig ng Dimasalang Bridge bago mag-Undas

Ayon kay DPWH Sec Vince Dizon, posibleng sa Oct. 20 ay bukas na ang northbound lane ng tulay na patungong Manila North Cemetery.

Sinabi ni Dizon na inabot lamang ng higit 4 na buwan ang pagkukumpuni sa magkabilang direksyon ng tulay na sinimulan noong May 23.

Aniya, ang gilid o bangketa na lamang ang ginagawa bukod sa paglalagay ng aspalto sa mismong tulay para mabuksan ito sa mga motorista.

Nabatid na aabot sa P160 milyon ang pondo sa rehabilitasyon ng tulay kung saan ang proyekto ay bahagi ng nagpapatuloy na hakbang ng ahensya para matiyak ang kaligtasan at tibay ng mga pangunahing imprastruktura sa bansa.

Facebook Comments