Wednesday, October 7, 2026

CAAP, sinuspinde ang training operations ng Omni Aviation matapos ang emergency landing sa pampanga

Pinatawan ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ng pitong araw na suspensyon sa lahat ng flight at ground training operations ng Omni Aviation’s Approved Training Organization (ATO).

Ipinatupad ang suspensyon matapos tumaob ang light trainer plane na nag-emergency landing sa isang palayan sa Arayat, Pampanga noong October 3.

Sinuspinde na rin ng CAAP ang pilot-in-command na sangkot sa naturang insidente.

Ayon sa CAAP, ipinatupad ang suspensyong ito bilang hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng iba pang student pilots habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon.

Facebook Comments