Monday, October 12, 2026

Magkakaibigan, kabilang ang isang menor de edad, patay sa pamamaril sa Quezon City; suspek, arestado

Patay ang tatlong magkakaibigan, kabilang ang isang menor de edad, matapos pagbabarilin sa Barangay Batasan Hills sa Quezon City, madaling-araw nitong Lunes.

Naganap ang pamamaril dakong alas-2 ng madaling-araw sa kanto ng Senatorial Street at Batasan-San Mateo Road.

Sa isinagawang follow-up operation ng Batasan Police Station 6, naaresto ang 38-anyos na suspek na kinilalang si alyas “Vin” dakong alas-tres ng madaling-araw sa Sinagtala Street, Barangay Batasan Hills.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang kaukulang reklamong kriminal na isasampa laban sa kaniya sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Patuloy namang iniimbestigahan ng Quezon City Police District ang mga pangyayari sa pamamaril, kabilang ang motibo sa pagpatay sa tatlong magkakaibigan.

Facebook Comments