Sunday, October 25, 2026

ER ng Ospital ng Maynila Medical Center, nasa full capacity na

Inanunsyo ng pamunuan ng Ospital ng Maynila Medical Center na nasa full capacity o 300% na ang kanilang Emergency Room (ER).

Ito’y sa nakalipas na dalawang araw dahil sa patuloy na pagdami ng mga pasyenteng nangangailangan ng agarang atensyong medikal.

Kabilang dito ang mga suspected at confirmed cases ng leptospirosis.

Pinaalalahanan ng nasabing ospital ang mga pasyenteng nangangailangan ng emergency care na habaan ang pasensya.

Pero sa kabila nito, sinisiguro ng mga doktor na mabibigyan din ng tamang atensyon o mailipat sa ibang pinakamalapit na ospital ang mga pasyenteng may kakayahang pang tumanggap sa kanila.

Nakahanda naman ang ambulansiya ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Department sa paglipat ng pasyente.

Humihingi ng pang-unawa at pakikiisa ang Ospital ng Maynila Medical Center habang patuloy na ginagawa nila ang lahat upang mabigyan ng nararapat na pangangalaga ang mga pasyente.

Facebook Comments