‎‎VILLAVERDE ROAD, NANANATILING SARADO DAHIL SA PAGGUHO NG LUPA

‎Sarado pa rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang Villaverde Road o Pangasinan–Nueva Vizcaya Highway dahil sa muling pagguho ng lupa sa bahagi nito, base sa monitoring ng San Nicolas DRRMO noong August 30, 2026.
‎
‎Nakiusap ang tanggapan sa mga motorista na huwag nang magpumilit na dumaan sa naturang kalsada at gumamit ng alternatibong ruta.
‎
‎Passable naman ang Umingan–Lupao Road na maaaring daanan ng mga motorista.
‎
‎Ito umano ay alinsunod sa pansamantalang pagsasara ng kalsada ng bayan ng Sta. Fe sa Villaverde Road (Pangasinan–Nueva Vizcaya) noong August 29 hanggang sa susunod na abiso.
‎
‎Ayon sa San Nicolas MDRRMO, agaran ang isasagawang pagbibigay ng abiso sa mga susunod na update ng lagay ng naturang kalsada, habang nagpapatuloy ang clearing operation ng mga awtoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments