Friday, August 28, 2026

Social media platforms, hinikayat ng palasyo na magbukas ng pisikal na opisina sa bansa

Mas makakabuti kung may opisina sa Pilipinas ang mga social media company para mas mabilis silang maka-usap ng gobyerno kapag may kailangang aksyunan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kabilang ito sa mga usaping tatalakayin ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda sa Meta sa Singapore.

Nasa Singapore ang regional headquarters ng Meta, ang parent company ng Facebook.

Gayunman, sinabi ni Castro na hindi naman kailangan ng batas na magkaroon ng pisikal na opisina sa Pilipinas ang mga social media platform dahil maaari namang makipag-ugnayan online.

Pero mas magiging madali aniya ang koordinasyon kung may lokal na tanggapan ang mga kompanyang ito.

Facebook Comments