Retired PNP Chief Guillermo Eleazar, tatakbo sa pagka-senador

Tatakbo sa pagkasenador sa 2022 elections ang kakaretironglang na hepe ng Philippine National Police (PNP) na si General Guillermo Eleazar.

Si Eleazar ay kakandidato sa ilalim ng Lacson-Sotto tandem kapalit ni Paolo Capino na nakatakdang mag-withdraw ng kanyang kandidatura sa pagka-senador.

Ang impormasyon ay inihayag mismo ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na kandidato naman sa pagka-pangulo katandem ni Senate President Tito Sotto III na lumalaban sa pagka-bise presidente.


Una rito ay inihayag ni Sotto na kinukumbinsi nila si Eleazar na mapabilang sa kanilang senatorial slate.

Facebook Comments