
CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng pagsasanay tungkol sa Rice-Based Integrated Farming System (RBIFS) ang National Irrigation Administration (NIA) Region 2 katuwang ang Agricultural Training Institute-Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02).
Isinagawa ang nasabing pagsasanay sa FoodTech Bldg., ATI-RTC 02, Brgy. Malasin, San Mateo, Isabela.
Ilan sa mga tinalakay sa aktibidad ay ang Palay Check System, mga konsepto at benepisyo ng Rice-Based Integrated Farming System, Rice-Fish Culture, Rice-Duck Farming System, at marami pang iba.
Layunin nito na maisulong ang mga climate-smart na gawaing pang-agrikultura upang masiguro ang sapat na pagkain at mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasakang Pilipino.
Facebook Comments