RMN Stations sa Visayas at Mindanao, number one sa bagong Nielsen Radio Audio Measurement Survey

308

Manila, Philippines — Ang RMN Networks ay lubos na bumabati sa mga himpilan nito sa Visayas at Mindanao.
Ito’y matapos manguna sa isinagawang 2017 Nielsen RAdio Audio Measurement Surveys.
Batay sa nasabing survey sa ikalawang kwarter ng kasalukuyang taon, ang DYHP RMN Cebu, DYHB RMN Bacolod, DYRI RMN Iloilo, DXCC RMN Cagayan De Oro, DXMD RMN General Santos at DXDC RMN Davao ay itinanghal na number 1 AM radio station.
Kasabay ng pagdiriwang ika-animnapu’t limang (65) anibersaryo sa darating na Agosto, patunay lamang ito na ang RMN ang namamayagpag pagdating sa paghahatid ng balita, impormasyon, public service, entertainment at drama sa masang pilipino.
Dahil dito, nagpapasalamat ang RMN NETWORKS sa mga staff at mga tagapakinig sa patuloy na ibinibigay na suporta.

Facebook Comments