Patok ngayon sa Pangasinan ang roller skating na unti-unting kinahuhumalingan ng mga kabataan at maging ng mga matatanda.
Madalas na makikitang nagsasanay ang mga roller skaters sa mga open space at iba pang pampublikong lugar upang paghusayin ang kanilang balanse, bilis, at iba’t ibang kasanayan sa naturang isport.
Bukod sa pagiging masayang libangan ay nagsisilbi rin itong ehersisyo.
Samantala nagkaroon naman ng isang torneyo kung saan lumahok ang Rollers Skate Club of Lingayen sa isang kompetisyon upang ipamalas ang husay sa Unang Luzon Roll Ball Friendly Cup 2026 noong July 27.
Nagbunga naman ang kanilang pagsisikap nang umuwi ang pangkat na may dalang mga parangal na ginto at pilak na medalya.
Dahil sa patuloy na pagdami ng mga nahihikayat na sumubok ng roller skating, inaasahan ding mas lalawak pa ang komunidad ng mga roller skaters at mas marami pang aktibidad at kompetisyon ang isasagawa sa lalawigan.
Pinaalalahanan naman ng mga coach at miyembro ng club ang mga nais sumubok ng roller skating na palaging magsuot ng kumpletong protective gear, tulad ng helmet, knee pads, elbow pads, at wrist guards, upang matiyak ang kaligtasan ng bawat skater habang nagsasanay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








