Sunday, July 5, 2026

Epekto sa mga kabataan ng sobra-sobrang screen-time sa social media, pinaiimbestigahan ng isang Senador

Ipinasisiyasat ni Senate President pro-tempore Tito Sotto III ang epekto sa mga kabataan ng sobra-sobrang screen time at pagkalantad ng mga kabataan sa mga mapanganib na online content.

Partikular na pinasisilip ng senador ang epekto sa mental health, kaligtasan, moral development, at kabuuang kapakanan ng mga kabataan na sobrang lantad sa social media.

Sisilipin din kung ang pagtaas ng bilang ng mga kabataan na sangkot sa karahasan, cyber-related offenses, at iba pang masamang paguugali ay may kaugnayan sa paggamit ng social media.

Tinukoy ni Sotto na sa paggamit ng digital technology nalantad ang mga kabataan sa cyberbullying, online sexual exploitation, grooming, self-harm content, misinformation, at gambling related materials.

May mga pagaaral din aniya na ang sobra-sobrang screen time sa mga kabataan ay nagdudulot ng matinding anxiety, depression, sleep disorders, at iba pang mental health concerns.

Facebook Comments