MALAKAS NA HANGIN AT PAG-ULAN, NARANASAN SA ILANG BAHAGI NG PANGASINAN NOONG SABADO ‎

Malakas na bugso ng hangin at pag-uulan ang naranasan sa ilang bahagi ng Pangasinan, gabi ng Sabado, July 4, 2026.

‎Sa Dagupan City, naramdaman ng mga motorista at komyuter ang lakas ng hangin at ulan maging sa bayan ng Lingayen kung saan natumba ang ilang poste at puno papunta ng Sison Auditorium. Agad rin naman itong kinumpuni at inayos, kinaumagahan.

‎Binaha rin ang ilang bahagi ng kalsada at kabahayan ngunit agad rin humupa.

‎Pagtataka rin ng ilang negosyante sa San Carlos City ang pagtaas ng tubig sa kanilang pwesto matapos ang sandaling bugso ng hangin at ulan na naranasan.

‎Sa Sual, naramdam rin ang malakas na bugso ng hangin na sinabayan ng malakas na pag-uulan.

‎Samantala, bukod sa nararanasang malalakas na pag-uulan at hangin, patuloy naman ang pagbabantay ng DOST-PAGASA sa Super Typhoon na may international name na “BAVI” sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

‎Pinapayuhan ng tanggapan na mantiling nakatutok sa kanilang opisyal na website at social media page para napapanahong updates ukol sa nararanasang panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments