Ayon sa DECORP, isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng singil ay ang rotational brownout na naranasan noong nakaraang buwan na nagdulot ng kakulangan sa suplay ng kuryente.
Dahil dito, kinailangang paandarin ang mga mas mahal na planta upang matugunan ang pangangailangan sa enerhiya.
Nabatid na tumaas ng humigit-kumulang P2.80 kada kilowatt-hour ang presyo sa merkado kumpara noong nakaraang buwan.
May bahagyang pagtaas din raw sa transmission rate dahil sa mga serbisyong may kaugnayan sa transmission sector ngnunit nilinaw ng tanggapan na wala itong direktang kontrol sa mga pagbabago sa generation at transmission charges.
Ang natitirang pangangailangan sa kuryente ng mga konsyumer ay kinakailangang bilhin mula sa merkado, lalo na kung hindi sapat ang nakakontratang suplay, na nakadepende rin sa aktuwal na konsumo ng mga customer.
Kumpara sa ibang distribution utilities, nananatili pa ring mas mababa umano ang antas ang kanilang singil.
Samantala, ipinaalala rin ng DECORP ang advisory ng Energy Regulatory Commission (ERC) na nagsasaad na ang mga konsyumer na may billing para sa Hunyo at Hulyo ay maaaring hindi muna magbayad agad ng kanilang kasalukuyang bill nang hindi napuputulan ng serbisyo.
Hinimok din ng DECORP ang publiko na huwag maniwala sa mga indibidwal na nangangakong makapagpapababa ng konsumo sa pamamagitan ng iligal na koneksyon o paggamit ng mga hindi awtorisadong kagamitan.
Nagbabala rin ang DECORP laban sa paggamit ng mga electrical facilities bilang sampayan o pagdudugtungan ng mga alambre dahil maaari itong magdulot ng electric shock at iba pang aksidente.
Pinayuhan ang mga residente na huwag pakialaman o hadlangan ang mga linya ng kuryente upang maiwasan ang panganib sa kanilang kaligtasan at sa maayos na daloy ng serbisyo ng kuryente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










