Tinalakay sa pagpupulong ang mga hakbang upang mapahusay ang pangangalap at paggamit ng lokal na datos na magsisilbing batayan sa pagbuo ng mga programang tutugon sa kahirapan at iba pang pangangailangan ng mga komunidad.
Ang CBMS ay isang pangunahing programa ng PSA na naglalayong makapagbigay ng napapanahon at maaasahang datos sa antas ng barangay at lungsod upang makatulong sa mas epektibong pagpaplano at paggawa ng mga polisiya.
Kabilang sa mga natalakay sa pagpupulong ang pangkalahatang pagpapakilala sa CBMS, mga tungkulin ng CBMS Coordinating Boards, mga aktibidad para sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga local government unit sa 2026, at ang 2027 CBMS Resource Allocation Tool.
Dumalo rin sa pagpupulong ang mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang tanggapan ng lungsod at iba pang departamento.
Sa pamamagitan umano ng mas maayos na pangangalap at pagsusuri ng datos, inaasahan ng lungsod na higit pang mapapabuti ang kalidad ng mga serbisyong ibinibigay sa mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








