Naipamahagi ang mga karagdagang kagamitang pangkomunidad tulad ng foldable tables at chairs sa 58 barangay ng bayan ng Umingan.
Inaasahang mapadadali nito ang operasyon sa bawat barangay hall at suportahan ang iba’t ibang lokal na aktibidad.
Malaking tulong rin umano ang mga ipinagkaloob na kagamitan sa pagpapaunlad ng serbisyo sa barangay at sa pagsasagawa ng mga pulong at programa sa komunidad.
Ang mga inisyatibang ito ay naglalayong mapabuti ang serbisyo publiko at palakasin ang kakayahan ng mga barangay sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang nasasakupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







