‘NO TO BULLYING’; ILANG LGU SA PANGASINAN, PINAIGTING ANG KAMPANYA ‎

‎Walang puwang ang bullying—yan ang giit ng ilang pamahalaang lokal sa lalawigan ng Pangasinan bilang bahagi pa rin ng proteksyon ng mga mag-aaral sa loob at labas ng mga paaralan.

‎Sa Bayambang, inihayag ng LGU na walang puwang ang bullying at hindi dapat makaranas ang sino mang bata ang karahasan at ano mang bayolenteng pananakit.

‎Sa Dagupan City, patuloy ang kampanyang isinusulong tulad ng Safenet – Anti-bullying campaign.

‎Sa kasalukuyan, naglilibot ang mga kinauukulan sa mga paaraln upang magbigay ng matibay na mensahe sa mga kabataan ukol sa negatibong hatid ng bullying.

‎Binigyang-diin din ang pagkakaroon sana ng kabaitan sa bawat isa at maging karamay kaysa maging dahilan ng karahasan at bayolenteng gawaim laban sa kapwa mag-aaral.

‎Samantala, nagpapatuloy rin ang pagkilos ng pulisya at ibang kinauukulan upang matiyak ang seguridad sa mga paaralan kung saan kaliwa’t-kanan ang pagbabantay at inspeksyon sa mga paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments