SAMPUNG PAMILYA SA BAYAMBANG, PINAGKALOOBAN NG SARILING TAHANAN

Sampung pamilyang Bayambangueño ang nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng sariling tahanan matapos silang pagkalooban ng tig-iisang bahay kubo na personal na ipinagkaloob ni Bayambang Mayor Niña Quiambao.

‎Ayon sa ibinahagi ng Bayambang LGU, kabilang umano ang mga ito sa mga pamilyang naninirahan noon sa mga barung-barong, dating koral ng baboy, at mga bahay na hinihiram lamang.

‎Agad naman silang naisama sa listahan ng mga tatanggap ng tulong pabahay nang makarating sa tanggapan ang kanilang kalagayan.

‎Pormal na ipinamahagi ang mga bahay kubo kasabay ng isinagawang flag-raising ceremony, kung saan personal itong tinanggap ng mga benepisyaryo.

‎Ang programa ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lokal na makatulong para sa nangangailangan ng suportang pabahay.

| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments