
Dismayado si Senate Majority Leader Migz Zubiri sa pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa hindi nagamit na pondo para sa modernisasyon ng ahensya.
Tinukoy ni Zubiri na ginawa pang isyu laban sa kanya noong 19th Congress ang pagpopondo sa modernisasyon ng PCG.
Binigyan nila ng P2.4 billion pondo ang Coast Guard para sa pagpapagawa ng modernong barko.
Lumilitaw na napabalik ang naturang pondo sa National Treasury kahit pa kasado na ang pondo para sa pagbili ng barko sa isang Australian government na binalak pang gawin ang barko sa isang shipyard sa Cebu.
Hanggang ngayon ay wala pa ring linaw kung ano ang nangyari at anong red tape ang mayroon kaya pinaiimbestigahan ng senador ang isyu sa Senate Committee on Finance.
Facebook Comments










