
Matagumpay na nai-ayos at naisagawa ang mga sirang street lights sa Barangay Telbang sa pangunguna ng barangay council katuwang ang Barangay Civilian Volunteer Organization (CVO).
Ang naturang inisyatibo na naglalayong masiguro ang maayos na ilaw sa mga kalsada sa buong barangay.
Layunin ng programa na mapabuti ang kaligtasan ng mga residente, lalo na tuwing gabi, at maiwasan ang mga insidente ng krimen at aksidente.
Ayon sa pamunuan ng barangay, bahagi ito ng kanilang patuloy na programa upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa komunidad.
Sa tulong ng CVO at iba pang volunteers, agad na natutugunan ang mga sirang ilaw sa iba’t ibang bahagi ng Barangay Telbang.
Nagpasalamat naman ang ilang residente sa mabilis na aksyon ng lokal na pamahalaan ng barangay, na nagbigay ng mas maliwanag at ligtas na kapaligiran para sa lahat.
Patuloy namang hinihikayat ng barangay ang publiko na makipagtulungan at iulat ang anumang sirang street light upang agad itong maaksyunan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










