Labis ang saya nang makatanggap ng hearing aid kits ang mga kuwalipikadong residente ng Manaoag na may kapansanan sa pandinig sa isinagawang distribution program, kamakailan.
Isinagawa ang pamamahagi sa pakikipagtulungan ng Persons With Determinations Federation of Manaoag, Inc. (PWDFMI), Persons with Disability Affairs Office (PDAO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at Audibly Hearing Aid Center.
Bahagi ang pamamahagi ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga persons with disability (PWD), kung saan pinagkalooban ng hearing aid kits ang mga kuwalipikadong benepisyaryo upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na komunikasyon.
Layunin ng programa na mapabuti ang kakayahang makarinig ng mga residenteng may kapansanan sa pandinig, mapalawak ang kanilang partisipasyon sa komunidad, at makatulong sa pagpapataas ng kanilang kalidad ng pamumuhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










