LUNGSOD NG ALAMINOS, GINAWARAN NG FISCAL TRANSPARENCY AWARD SA FY 2026 LOCAL BUDGET FORUM

Muling nagbigay ng karangalan sa Rehiyon 1 ang Pamahalaang Lungsod ng Alaminos matapos nitong tanggapin ang Fiscal Transparency Award sa kasalukuyang isinasagawang FY 2026 Local Budget Forum na ginaganap sa Center for Harvest Activities, Value Chain Development, Innovation, and Training (CHAVIT) Coliseum sa Vigan City, Ilocos Sur.

Kabilang ang Alaminos sa siyam na local government units (LGUs) na kinilala sa buong Rehiyon 1 at ito lamang ang nag-iisang lungsod na pinarangalan ng Fiscal Transparency Award.

Ayon sa Pamahalaang Lungsod, ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap at matatag na pangako ng lokal na pamahalaan na higit pang palakasin ang mahusay na pagpapatupad ng mga programa at proyekto, gayundin ang pagsusulong ng isang pamahalaang may mataas na antas ng transparency, pananagutan, at pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Samantala, patuloy naman ang mga programang napakikinabangan ng mga residente sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments