Salarin sa pamamaril kay Infanta Mayor Filipina Grace America, dapat agad mapanagot

396

Mariing kinondena ni Senator Richard Gordon ang pamamaril kay Infanta, Quezon Mayor Filipina Grace America kahapon ng umaga habang nasa loob ng kanyang sasakyan.

Dalangin ni Gordon ang agarang paggaling ng alkalde na isinugod agad sa ospital.

Umaasa si Gordon na agad mabibigyan ng hustisya si America.


Kaugnay nito ay umaapela si Gordon sa mga nakasaksi sa krimen na makipagtulungan sa mga awtoridad para agad na matukoy at mapanagot ang mga salarin.

Facebook Comments