Monday, June 15, 2026

Pilipinas, magbubukas ng mga bagong embahada at konsulado sa ilang mga bansa

Palalawakin ng pamahalaan ang presensya ng Pilipinas sa ibang bansa sa pagbubukas ng mga bagong embahada at konsulado.

Sa Vin d’Honneur sa Malacañang, inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbubukas ang Pilipinas ng mga bagong embahada sa Kazakhstan at Ghana ngayong taon.

Bukod dito, itatatag din ang bagong consulate general sa Miami, Florida upang mas mapalapit ang serbisyo sa mga Pilipinong naninirahan sa Amerika at Caribbean.

Ayon sa pangulo, layunin ng mga bagong tanggapan na gawing mas mabilis at mas madaling maabot ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang mga serbisyong konsular at proteksiyong kailangan nila.

Dagdag pa niya, magsisilbi rin itong daan para mapalawak ang ugnayang pang-ekonomiya, palitan ng kultura, at kooperasyong pampulitika ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.

Facebook Comments