Bitbit ang mga sorpresa, personal na nagtungo ang iFM Dagupan sa kanilang tahanan at pinagtratrabahoan upang ihatid ang masarap na chicken wings bilao, turmeric drinks, cakes at pizza na kanilang pagsasalohan.
Ipinahayag ng mga nanalo ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa biyaya at pagkilalang kanilang natanggap lalo na sa kanilang anak na siyang nagbahagi ng kwento. Isang motibasyon ang mga ganitong surpresa sa kanila upang lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang pagtatrabaho at pag-aaruga para sa kanilang pamilya.
Samantala, nagpasalamat naman ang iFM Dagupan sa lahat ng nakilahok at sumuporta sa nasabing promo. Patuloy din ang paghikayat sa publiko na makiisa sa mga susunod pang programa at promosyon na ihahanda upang higit pang mapalakas ang ugnayan sa komunidad.
Muli maraming salamat sa ating sponsor sa suporta upang maging matagumpay ang “Idol Ko si Tatay: The iFM Dagupan Father’s Day Promo”sa El Wings Unlimited – Mangaldan Pangasinan, Turmeric drinks by Good Potion Food Products, Pizza Hut Dagupan, San Fabian Medical Diagnostic Center at Amoura Cakes and Pastries, hatid sa inyo ng 104.7 iFM Dagupan at RMN Networks. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








