Pansamantalang isasara ang lumang Embarcadero Bridge sa loob ng tatlong linggo simula Hunyo 22 hanggang Hulyo 12, para bigyang-daan ang pagsasagawa ng repair at replacement ng expansion joints.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office I, kinakailangan ang temporary closure para maisagawa nang maayos ang mga pagkukumpuni sa naturang tulay.
Dahil dito, inaasahang maaapektuhan ang mga motoristang papasok at palabas ng Mangaldan.
Sa inilabas na abiso ng lokal na pamahalaan, pinapayuhan ang mga motorista na maglaan ng karagdagang oras sa kanilang biyahe at sundin ang mga ipatutupad na traffic management measures habang isinasagawa ang pagkukumpuni.
Samantala, mananatiling bukas ang katabing bagong Embarcadero Bridge at pansamantalang gagamiting two-way lane para sa tuloy-tuloy na daloy ng trapiko patungo sa mga bayan ng San Jacinto at Manaoag. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






