Samu’t saring mga armas, nakumpiska Philtranco bus terminal sa Pasay City

239

Pasay City – Saan samu’t saring mga armas ang nakumpiska matapos salakayin ng mga pulis Pasay City ang terminal ng Philtranco bus sa lungsod.

Ayon kay Police Supt. Deanry Francisco, assistant chief for operations, nagsilbi sila ng search warrant sa barracks ng mga empleyado ng Philtranco.


Aniya, isang buwan silang nagsagawa ng surveillance base sa impormasyon na ilang kawani ng kumpaniya ang may mga armas.

Sa operasyon na isinagawa, nasamsam ang apat na Baril, isang granada, katana at mga bala.

Inaresto rin ang Presidente ng unyon na si Jose Olivar at 25 iba pa kasama ang ilang driver at guwardiya.

Samantala, duda naman si Butch Peña ng Association of Genuine Labor Organizations kung saan iginiit niyang maaring may nag set-up lang kay Olivar dahil sa labor issues sa kumpaniya.
DZXL558




Facebook Comments