Wednesday, June 17, 2026

SAN CARLOS CITY, NANGUNA SA MARAMING NAKOLEKTANG BARIL SA PANGASINAN MULA MAYO HANGGANG HUNYO

Kinilala ang San Carlos City bilang may pinakamataas na bilang ng nakolektang CCSDAF firearms sa Third District ng Pangasinan, matapos makapagtala ng pitong (7) baril sa isinagawang showdown inspection ng Police Regional Office 1 (PRO1) sa Lingayen.

Ang mga armas ay bahagi ng kabuuang Captured, Confiscated, Surrendered, Deposited, Abandoned, at Forfeited (CCSDAF) firearms na nakaimbak at isinailalim sa pagsusuri bilang bahagi ng regular na monitoring ng kapulisan sa lalawigan.

Dumalo sa aktibidad ang Regional Director ng PRO1, Provincial Director ng Pang PPO, at mga Chiefs of Police mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Pangasinan.

Ayon sa mga awtoridad, ang pag-uulat ng San Carlos City sa naturang bilang ay bahagi ng kabuuang datos mula sa iba’t ibang distrito, na patuloy na bineberipika at minomonitor ng pulisya para matiyak ang tamang accounting ng lahat ng CCSDAF firearms sa ilalim ng police custody.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments