San Francisco High School sa Quezon City, binulabog ng bomb threat; mga estudyante, pinauwi

Binulabog ng bomb threat ang San Francisco High School sa Brgy. Bago Bantay, Quezon City.

Ala-1:15 ng hapon nang unang napasugod ang grupo ni Police Capt. David Gundayao ng Explosive and Ordnance Division ng Quezon City Police District matapos makatanggap ng tawag sa pamunuan ng paaralan dahil sa kahina-hinalang bag sa loob ng paaralan.

Agad ding kinansela ang panghapong pasok ng mga estudyante upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.


Maging ang mga guro at empleyado ng San Francisco High School ay pinalabas din para masuri ang lahat ng gusali nito.

Gamit ang K-9 Dog at iba pang kagamitan, sinuri ang natagpuang bag na naiwan sa loob ng compound ng paaralan .

Ngunit makalipas ang halos isang oras na pagsusuri ng EOD ay idineklarang ligtas sa anumang bomba ang naturang paaralan.

Facebook Comments