‘Sansa Stark’ ng Game of Thrones, kinasal na!

NASORPRESA ang mga fans ng biglang magpakasal ang aktres na si Sophie Turner at singer/musician Joe Jonas noong Miyerkules, Mayo 1.

Naganap ang kasal dalawang oras bago magsimula ang 2019 Billboard Music Awards sa Little White Wedding Chapel, Las Vegas Nevada. Sa Instagram post ng E! News mula kay American DJ Diplo, mapapansin na simple at intimate ang wedding ng magkasintahan.


Ayon pa sa report ng sikat na entertainment news site, humigit kumulang $1300 o 65,000 pesos ang nagastos nina Sophie and Jonas. Plano ulit magpakasal ng dalawa sa France ngayong taon.

Ipinaalam ng dalawa sa publiko ang kanilang engagement noong 2017.

 

View this post on Instagram

 

She said yes.

A post shared by J O E J O N A S (@joejonas) on

 

 

Kilala si Sophie Turner bilang Sansa Stark sa patok na palabas na Game of Thrones at si Joe ay miyembro ng award-winning pop rock band na The Jonas Brothers.

 

 

 

 

Facebook Comments