Saturday, May 9, 2026

DILG, wala pang impormasyon sa sinasabing warrant of arrest ng ICC laban kay Sen. Bato Dela Rosa

Kinumpirma ni DILG Secretary Jonvic Remulla na wala pa siyang hawak na impormasyon kaugnay ng warrant of arrest na sinasabing inisyu ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senator Bato Dela Rosa.

Dagdag pa ni Remulla, hindi siya maniniwala rito hangga’t wala siyang hawak na opisyal na kopya ng warrant of arrest.

Gayunpaman, sinabi naman ni Remulla sa isang text message na inihahanda na ng kanilang departamento ang 10,000 Task Force personnel para ikasa ang dragnet operation oras na maisyu ang warrant of arrest laban kay Dela Rosa.

Ayon sa mga ulat, ang warrant of arrest ay sinasabing may kaugnayan sa umano’y pagkakasangkot ni Dela Rosa sa war on drugs noong administrasyon ni former President Rodrigo Duterte.

Facebook Comments