
Cauayan City – Iprinoklama bilang wagi sa Gamu local elections sina Mayor-elect Atty. Xian Galanza at Vice Mayor-Elect Bob Burkley.
Ang deklarasyon ay ginawa matapos makakuha si Galanza ng 7,619 boto kontra sa kanyang katunggali na si Sheryl Labbuanan na nakakuha naman ng 3,564 votes.
Samantala, sa tunggalian naman sa pagka-bise alkalde ng bayan, idineklarang wagi si Bob Burkley na nakakuha ng 6,893 votes laban sa 4,108 na boto ni Mitzi Cumigad.
Facebook Comments