
CAUAYAN CITY – Nakuha ng pambato ng Lungsod ng Santiago ang titulo bilang Grand Champion sa katatapos na Isabela’s Got Talent.
Siya si Ralph Angelo Babaran kung saan isang nakakatindig-balahibong rendition ang ipinamalas nito ng awitin ang kantang “Binibi” ni Zack Tabudlo at “Chandelier” ni Sia. Sa patimpalak ay nag-uwi si Babaran ng P100,000, smartphone, at 55-inch smart TV bilang premyo.
Nakuha naman ni Jovielyn Bacani mula sa bayan ng Delfin Albano ang 1st Runner-up kung saan kinanta nito ang “Lipad na Pangarap” ni Dessa at “My Heart Will Go On” ni Celine Dion. Siya ay nag-uwi ng P50,000 bilang premyo, trophy, at smartphone.
2nd Runner-up naman ang nasungkit ng pambato ng Lungsod ng Ilagan na si Ayson Bauit dahil sa kanyang mahusay na performance ng “Hanggang” ni Wency Cornejo at “All I Ask” ni Adele. Bilang premyo, siya ay nakapag-uwi ng P30,000, trophy, at smartphone.
Ginawad ng mga hurado ang parangal sa mga nanalo sa pangunguna ni Provincial Administrator Atty. Noel Manuel Lopez. Ang Isabela’s Got Telent ay bahagi ng selebrasyon ng Bambanti Festival 2025.