
CAUAYAN CITY- Umaalma ngayon ang ilang mga tricycle drivers sa muling pagtaas ng presyo ng gasolina ngayong Linggo sa lungsod ng cauayan.
Sa panayam ng iFM News Team kay Rogelio Sambo, isang tricycle driver mula sa Brgy. Pinoma, inilahad niya ang bigat ng epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina sa kanilang araw-araw na kita lalo na at muling tataas ng halos dalawang piso kada litro ang presyo ng gasolina.
Aniya, sa kabila ng kanilang pagtitiyaga, umaabot lamang sa limang daang piso ang kanyang kinikita sa maghapon kung saan hindi pa sapat upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Dahil dito, si Ginoong Rogelio na nararapat lamang na itaas ang pamasahe sa bente pesos upang makatulong sa kanilang kita.
Dagdag pa niya, madalas lamang silang bumabawi sa kita tuwing may pasaherong nag-aarkila ng kanilang traysikel.