SAWI | Sundalo, patay matapos sumabog ang landmine na itinanim ng NPA sa Quezon Province

Quezon – Patay ang isang sundalo habang sugatan ang dalawang iba pa sa pagsabog ng landmine na itinanim ng New People’s Army sa Barangay Bagong Silang, Lopez, Quezon Province.

Ayon sa mga otoridad – patungo ang mga sundalong sakay ng military truck sa headquarters ng 85th infantry battalion sakay ng military truck nang sumabog ang landmine.

Sinundan pa ito ng pagsalakay ng hindi natukoy na bilang ng mga rebelde kaya nauwi sa isang oras na bakbakan ang insidente.


Agad naman rumesponde ang military pero, napatay sa engkwentro si private first class nilo julian habang sugatan sina Sergeant Victor Bartocillo at Corporal Jonathan Baylar.

Facebook Comments