Thursday, April 23, 2026

AMLC, nakitaan ng butas ng defense team ni VP Sara sa pagprisinta sa Kamara ng sinasabing bank transactions ng pangalawang pangulo

Nakitaan ng butas ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang pagprisinta ng Anti-Money Laundering sa Kamara ng sinasabing bank transactions ng pangalawang pangulo.

Ayon kay Atty. Michael Poa, malinaw na pinagsama-sama ng AMLC ang lahat ng bank withdrawals at deposits ni VP Sara kaya lumabas na bloated na ang inflows at outflows , gayundin ang kabuuang net o figures.

Kaugnay nito, iginiit ng defense team na sa impeachment court o sa Senado lamang sila maghahain ng mga ebidensya.

Nagbanta rin ang defense team na aabot sa Korte Supreme ang sinasabing desisyon ng Commission on Audit na ipabalik kay VP Sara ang P375 million confidential funds para sa taong 2023.

Iginiit naman ni Atty. Poa na ang posibleng pagdulog nila sa Supreme Court ng isyu ng restitution ay naaayon sa rules ng COA.

Facebook Comments