Sunday, May 17, 2026

𝗣𝟮.𝟳-𝗠 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗢𝗔𝗧 𝗠𝗨𝗟𝗧𝗜𝗣𝗟𝗜𝗘𝗥 𝗙𝗔𝗥𝗠 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗦𝗔 𝗤𝗨𝗜𝗥𝗜𝗡𝗢 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗘

Cauayan City – Pormal na inilunsad ng Department of Agriculture katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Quirino at mga lokal na pamahalaan ang Goat Multiplier Farm Project sa Bannawag Sur, Diffun.
‎Bahagi ang programa ng mas pinaigting na Livestock Economic Enterprise Development o LEED Program na naglalayong palakasin ang livestock production at kabuhayan ng mga magsasaka at livestock raisers sa lalawigan.
‎Umabot sa P2.7 milyon ang kabuuang halaga ng suportang ipinamahagi sa mga benepisyaryo kabilang ang 27 dekalidad na kambing na inaasahang makatutulong sa pagpapalawak ng produksyon ng kambing sa lugar.
‎Kasama rin sa ipinamahaging assistance ang forage chopper, feeds at mga gamot para sa wastong pangangalaga ng mga alagang hayop.
‎Bahagi rin ito ng pagsisikap ng pamahalaan na maisulong ang mas moderno at mas produktibong sektor ng paghahayupan upang higit pang mapabuti ang kabuhayan ng mga mamamayan sa Quirino.
Facebook Comments